Quaintrelle
Home    Info    Ask    Jha   allabouthim
About: 

Hi. I'm Jha. 20. UPLB.
an RND {&Dra.} in the making.
A beautiful mess; perpetually molded
into God's perfection.
1 Corinthians 13:8


/ / / / / / / / +

Flipped.

It wasn’t the first time I saw you, neither the second, third nor fourth. It was a sequence of subtle moments yet feelings we had flowed throughout.

1

I can barely remember the first time we met. All I can reminisce was that you wore a blue checkered polo that clearly have a good fit on you and I looked so ghastly and thirsty. You stand next to me, with your drumsticks on one hand and a glass of water on the other hand. You held me the glass of water and said nothing but smiled. I checked to see if it was sensible, your smile meant more than a thousand words. I just knew I wasn’t assuming. You walked back to your friends, I heard them picking on you but you just smiled and glanced back to me. I turned my back right away, afraid that you might notice me peeking. Then I heard the drums. I was so stunned to finally see you play your heart out with that drums. I felt my heart dancing in the beat, singing out loud. I will never forget how perfect you flipped your sticks up in the air. The whole band was good but I just can’t help myself focus on the way you play. As if time stopped ticking and the world stopped revolving and there was just you and me and the drum set. I was still thinking if my heart got flipped like how your sticks did. That was everything I remembered. So, maybe let’s scratch the first sentence.

2

I was never expecting to meet you again. It has been a week after I saw you play those drums. I was walking with a friend that afternoon when we passed by you in a coffee shop. To my surprise, you were friends with him too. So he introduced us to each other. We shook each others hand and said Hi. That moment felt so infinite, like it never wanted to stop. Butterflies clamored in my tummies and raged in excitement. I knew you felt it too. The way you didn’t wanna let loose of my hand says it all.

3

We ate together lunch, dinner and in-between’s. We trolled by the grounds and counted the cars and the lines in the Pedestrian lane. We took picture of every species of plant around the place and of our exotic faces. We rode the bike and just wandered around. We hanged out by the streets, studio, center, stores and sang almost all of Hillsong’s songs. And you taught me to play the drums. Again, you amazed me with how you flipped your sticks in the air. That reminded of the first time I saw you. It seemed like the same moment. I felt my heart skipped a bit. I knew you noticed that I was in awe.

It continued for days, weeks, months after we’ve been introduced. 

I can tell that something in us have grown. Something abstract, intangible.

188

I like how the digits of number 8 almost epitomize the symbol for infinity. It was the 188th time we’re gonna meet. We came so far now from day1. You told me to wear something extra beautiful today since you would be performing in a large event and your parents would be there too to watch. You picked me up by six in the evening and we drove to the place. You held me your sticks for a while and I can feel your hands shaking. I am so nervous, please just stay by my side, you said. I nodded. We arrived in the place, it was so wonderful but I felt so unease at first, maybe because of the presence of your relatives. We grabbed a drink, ate canape, and you introduced me to some of your friends and relatives. Then the moment came. You are now about to play your drums. It felt like the same moment again, even if I’ve already watched you play your drums more than a hundred times, it always seems like the first. You did it again, flipping your sticks in the air, it has always been touching my heart every time you do that. The crowd applauded after that.

You asked me, was it good?

Yeah, especially when you flipped your sticks in the air.

You’re also good in doing that.

No, I haven’t mastered it yet.

Believe me, you are a master to it.

How can you say? You just saw me once flipping the sticks in the air.

Yes, I saw you’ve done it to the sticks once. And you’ve done the same to my heart once, and it’s enough. Since day1, you already got my heart flipped. If you would agree, I would like to spend together with you all the days of my life.

I can’t make any words escape my mouth. All that I was just able to utter was, Yes.

infinity

Those words you said were the same words playing in my head for months. The way you flipped your sticks in the air felt like the same way you flipped my heart. I never knew something great as this could start from that. We got flipped, from day 1 to infinity.

Pangako.

Hoy payatot! Sumama ka sa sem-ender naten ah! Pang-aasar sa akin ng isa kong brod na nag-ngangalang Tan.

Ang tagal kong pinag-isipan kung sasama ba ako. Naisip ko rin kasi ang gastos, pati na rin kung ano ba ang mga maaaring mangyari dun. Alam kong hindi mawawala dun ang inuman at ayokong makisali dun. Pero alam kong kontrolado ko naman ang sarili ko at para na rin makahalubilo ko pa ang mga brods at sisses ko ay napagdesisiyunan kong sumama na nga.

Halos apat na oras ang biyahe namen papuntang Matabungkay sa Batangas. Salamat sa Diyos at ligtas naman kaming nakarating. Kumaen kami ng sabay-sabay. Pagkatapos ay nagkaroon kami ng team-building. Laro dito, laro doon. Tunay na bonding ang nabuo sa bawat isa sa amin. Lumalalim na ang gabi, ang iba ay lumusong na sa dagat at nag-relax. Ang iba ay nag-umpisa na sa inuman.

Ayokong pumunta sa dagat, ngunit ayoko rin namang uminom. Kaya’t pinili ko na lamang na pagmasdan sila mula sa aking inuupan na di kalayuan habang humihigop ng mainit na sopas.

Hoy payatot, bakit nandiyan ka? Tara, sumama ka samen dun! Sambit na naman ni Tan.

Ayoko. Ayoko ngang uminom. Ang sagot ko.

Sino ba nagsabing iinom ka? Kung ayaw mong uminom, di ko hahayaang pilitin ka nila. Makisama ka lang samen dun! Kawawa ka naman diyan e. Ang kaniyang sinabi.

Oo, sige na. Basta wag niyo ko pipilitin ah! Hindi ako iinom talaga! Ang pilit kong sagot.

(Si Tan nga pala ay extended na. Mahigit 21 na ang kanyang edad dahil na-delay siya sa pagkabagsak niya sa isa sa aming major subjects. Mas matanda siya sa akin ng higit na apat na taon. Napakakwela niya, mahilig magloko at masayahing tao.)

Hoy, wag niyo papainumin ‘to ah. Lagot kayo saken! ang sinabi ni Tan sa mga tao nung pagdating namen.

Oo, wala namang pilitan dito. Di tayo B.I.! Ang sagot ng isa naming sis.

Nagkwentuhan kaming lahat habang nag-iinom sila. Yun naman ang gusto ko sa kanila dahil hindi talaga nila ako pinilit. Naisipan ng iba na maglaro kami ng spin the bottle. Spin dito, spin doon. Hanggang sa natapat sa akin.

Jha, pag niligawan ka ni Tan, sasagutin mo ba? Ang mabilis na tanong ng isa kong brod.

Hindi. Ang mabilis ko ring sagot.

Naghiyawan ang lahat. Ang sakit naman nun, sabi ng isa. Kawawa ka naman Tan, ang sabi naman ng isa pa.

Bakit hindi? Seryosong tanong ni Dan (ang malapit na kaibigan ni Tan)

Ayoko nga ng boyfriend. Hindi ko naman ayaw si kuya Tan. Pero ayoko lang talaga ng boyfriend. Ang aking isinagot.

Aray Tan, girlfriend ang gusto ni Jha! Biro ng isa.

Hayaan niyo nga si Jha. Handa akong maghintay, Jha. Ang kagulat-gulat na sagot ni Tan sabay ng paghiyaw ng marami.

Sa totoo lang, minsan ay hindi ko maintindihan kung seryoso ba o nagbibiro lang si Tan. Nakitawa na lang ako. Inikot ulit nila ang bote. Ikot dito, ikot doon. Maya-maya naman ay kay Tan ito natapat.

Tan, halikan mo dito sa bilog na ito ang taong gusto mo. Ang dare ng isa naming sis.

Alam niyo naman na si Jha yun e. Hindi ko siya hahalikan dahil hindi niya ikakatuwa. May respeto ako sa kanya. Ang malalim na sagot ni Tan.

Napatahimik ang lahat. Ikinagulat ko rin ang kanyang sagot. Hindi ganyan si Tan. Saksakan ng kalokohan ang lalaking yun. Kaya’t lahat kami ay halos hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. Pero sa totoo lang, bahagya akong kinilig sa sinabi niyang iyon.

Napahiyaw ang isa, lasing na si Tan! sabi ng isa. Hindi ikaw si Tan! Ilabas mo si Tan masamang espiritu! Ang pabirong sabi naman ng isa.

Ano ba kayo! Halika dito Dan, ikaw na lang kikiss ko. Ang pabirong sagot ni Tan sa mga pangungutya sa kanya. At nagtawanan na ulit ang lahat.

Tumayo muna ako at kumuha ulit ng isa pang tasa ng sopas. Lumapit naman sa akin ang isa sa mga malalapit kong brod na si Earl.

Tan ka na pala ah. Ang sabi ni Earl.

Ang lakas ng trip nila! Feeling ko sabog na si Kuya Tan. As in kung anu-ano nang pinagsasabi niya. Ang aking isinagot.

Tigilan mo ko. Alam kong kinikilig ka. Ang pataray na sinabi ni Earl.

Habang pabalik ako hawak ang tasa ng sopas, napa-isip ako. Oo nga, kinilig ako kahit hindi ko alam kung seryoso ba si Tan sa kanyang mga pinagsasabi. Pero wala akong gusto sa kanya. Malinaw sa akin na hindi ko hawak ang puso ko ngayon. Wala ito sa kung sino mang iba pang lalaki. Ito ay hawak ng Diyos. Napa-iling ako. Wala akong gusto kay Tan.

Pagbalik ko ng bilog ay kaunti na lang ang tao. Ang iba ay lumusong na sa dagat, ang iba naman ay natulog na. Kaya’t naisipan kong matulog na rin pagkatapos kong ubusin ang isang tasa ng sopas na kinuha ko. Lumapit sa akin si Tan.

Payatot, tara swimming tayo. Sabi ni Tan.

Ayoko mag-swimming, tutulog na ko pagkatapos nito. Ikaw na lang. Ang aking isinagot.

Aantayin na lang kita. Ang malabong sagot nito.

Aantayin mong maubos yung sopas ko bago ka mag-swimming? Patanong kong sagot.

Hindi. Aantayin kong maging handa ka na. Pagkatapos papakasalan kita. Sagot nito sabay takbo papunta sa dagat.

Hindi ko nakita ang reaksyon niya habang binabanggit niya ang mga salitang iyon dahil abala ako sa paghigop ng mainit kong sabaw. Pero nagulat ako sa kanyang sinabi. Hindi ko malaman kung biro lang ba ito. Pero tumatak sa akin ang kaniyang sinabi…

Papakasalan kita.

Papakasalan kita.

Papakasalan kita.

Papakasalan kita.

Papakasalan kita.

Parang echo itong paulit-ulit sa aking isip. Ngunit hindi ko na siya sinundan pa at tangkain na i-klaro ito sa kanya. Natulog na ako pagkatapos kong ubusin ang aking sopas.

Kinabukasan, nagliligpit at kumakaen na ang iba. Hindi ko makita si Tan. Hindi ko alam kung bakit pero hinahanap ko siya. Kumuha ako ng almusal, pumunta sa may lamesa at nakisabay na kumaen sa iba.

Nasaan si, tanong ko.

Hinahanap mo ko? Sagot ni Tan.

Hindi. Nasaan si Ninang? Ang palusot kong sagot.

Kunwari ka pa. Naalala mo pa ba yung sinabi ko sayo kagabi? Kalimutan mo na yun! Di, biro lang. Wag mo kalimutan yun. Pangako yun. Ang sabi ni Tan sabay tawa.

Hindi ko nais na panghawakan ang kanyang pangako. Isa pa, wala naman talaga akong gusto sa kanya. Hanggang ngayon ay naniniwala paren ako na kalokohan lang lahat ng ito. Pero hindi ko maikakaila na ang sarap pala sa pakiramdam na pangakuan ka ng isang kasal kahit pa biruan lamang.

Promises are made to be broken. Ang pataray kong sinagot sa kanya.

Hindi sa akin. Ang seryoso nitong sagot.

Miserable.

Hey. Party’n all night. Having fun at the dance floor. The alcohol is my new best friend. Isang GM ang aking natanggap mula sa aking dating kasintahan. Halos tatlong buwan na rin ang nakalipas simula noong maghiwalay kami. At simula noon ay inumpisahan na niya ang pagsumbat at pagpaparinig sa akin sa pagpapadaan niya ng mga ganyang klase ng gm niya. Tuwing nababasa ko yan ay tila ba ako ang sinisisi niya kung bakit naging sobrang miserable ng buhay niya.

Oo nga, ako ang nakipaghiwalay sa kanya. Alam kong nasaktan ko siya. Pero ginawa ko yun para sa parehong ikabubuti naming dalawa. Hindi ko siya niloko, hindi ko siya pinagpalit sa kung sino mang babae, hindi ko sinasadyang masaktan siya. Ako man ay may mga pinagdaanan din. Nahirapan din ako. Pero hindi niya alam lahat ng iyon dahil hindi ko naman ipinapaalam. Hindi ako katulad niya na malayang pinaparamdam sa mundo ang sakit ng pinagdadaanan niya dahil sa nangyare. Pero pareho lang naman kami ng hinahangad ngayon. Ang tuluyan ng makalaya sa pait ng aming kahapon.

Nasasaktan ako sa tuwing pinapamukha niya sa akin na tila ba kasalanan ko ang lahat. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa. Para ba makonsensya ako at maawa? Sa tingin niya babalik kami sa dati sa ginagawa niya? Lalo niya lang pinapatunayan sa akin na tama ang desisyon ko na iwan siya.

Hey. Bakit mo ba ginagawa yan? Bakit mo ginagawang miserable ang buhay mo? Nakilala kita bilang isang matinong babae, sana ipagpatuloy mo yun. Kung ginagawa mo yan para makonsesnya ako, hindi gumagana. Kung nasaktan ka, ganun din ako. Pero sana idaan mo sa tamang paraan ang pag-move on mo. Sana ayusin mo na ang buhay mo. At kung mag-ggm ka ulit ng ganyan, please wag mo na idaan sa akin. Ang bahagyang emosyonal na mensahe ang dapat kong irereply sa kanya. Pero hindi ko tiyak kung anong emosyon ba ang lilitaw na naman sa kanya. Ayoko nang masaktan pa siyang muli. Pipindutin ko na sana ang send nang maisip kong mali ang mga salitang ginamit ko.

Alagaan mo sana ang sarili mo. GM. - Sent. Isang “GM kuno” ang aking nireply sa kanyang text. Sa ilang beses kong attempt na pag-reply sa kanyang mga masasakit na text, 1st time kong mapindot ang send button. At hindi ako sigurado kung tama ba ang ginawa ko. Wow, concern. Thanks anyway. Isang pataray na reply ang natanggap ko mula sa kanya.

Oo, concern ako. Ngunit sa halip na send, delete ang pinindot ko.

Best day.

Jha. Isang text mula sa isang di inaasahang tao. Oh? Pataray kong nireply. Invite sana kitang umattend ng youth service. Ang kanyang sagot. Bahagya akong nagulat sa kanyang paanyaya. Sige, titignan ko. Ma-pride kong sinagot pabalik. Sana makapunta ka. Ang muli niyang sambit.

Matagal ko na rin na naisipang umatend sa youth service pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Kaya di na ako nagdalawang isip pa nang ako’y kanyang inimbitahan. Marahil nga ay paanyaya lamang ang aking hinihintay.

Mabuti naman at nakarating ka. Una niyang pambungad sa akin. Oo nga eh, salamat nga pala sa pag-imbita. Ang aking isinagot.

Ang taong nag-imbita sa akin ay isang tao mula sa aking nakaraan. Ang kwentong ito ay hindi tungkol sa kanya. Nais ko lamang na pasalamatan ang Diyos dahil ang taong ito ang ginawa niyang instrumento upang muli akong magbalik-loob sa kanya. At gayun din ay nais ko na rin na pasalamatan ang taong ito.

Ang gaan sa pakiramdam, ang saya, nakakapawi ng stress, pagod, lungkot, problema. Iilan sa mga naramdaman ko sa yout service. Ang dami kong bagong kaibigan na nakilala. Napaka-init ng kanilang pagsalubong sa mga bagong dating na tulad ko. Ang sarap talaga sa pakiramdam. At nasabi ko sa sarili ko na, babalik at babalik ako dito.

Alam kong umpisa pa lang ito. Hindi puro saya. Maraming unos ang darating. Pero ito ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ko.

Kaibigan.

Iiyak ka na naman ba? Tanong ko sa isang kaibigan. Lagi na lang kasi kaming nag-aaway. Ang sagot nito saken. Sabi ko naman, breakan mo na kasi. You don’t deserve him. You deserve better. At nagulat ako sa pasigaw nitong sagot sa akin, palibhasa di ka pa nagkaka-boyfriend kaya napakadali lang para sayo sabihin ang mga yan!

Napaisip tuloy ako sa jeep habang pauwi. Halos lahat ng kaibigan ko ngayon ay may ka-relasyon na. Ano naman? Hindi ko naman ramdam na kailangan ko ng lalaki sa buhay ko para maging masaya. Lagi silang masayang naghaharutan, pero iiyak din naman. Tapos kung makapagtanong naman sa text yung mga boyfriend nila eh dinaig pa yung mga nanay nila. Para bang wala ka ng ibang mundo kundi yung lalakeng yun. Masaya na ako sa buhay ko. Di ko kelangan ng boypren boypren na yan. Ayoko. NO! Ah eh, miss, ayos ka lang? tanong saken ng poging kuya na katabi ko. Hindi ko namalayang sinigaw ko pala yung NO! Hehe. Ayos lang ako. sagot ko sa kanya at pumara na sa jeep.

Kinabukasan, pagdating ko sa unang klase ko ay nadatnan kong umiiyak ang aking kaibigan. Nakipagbreak na siya saken, ang sakit sakit. Una nitong pagtambad sa akin habang dumadaloy ang luha sa kanyang mga mata na para bang wala nang bukas. Tahan na. It’s his loss dahil pinakawalan ka niya. Sabi ko naman sayo eh, you deserve better. Wag mo nang iyakan yung mokong na yun. Ang comforting words ko sa kanya sabay yakap.

Habang naglalakad ako sa pasilya ng aming unibersidad, napaisip na naman ako. Ang kakapal din ng mukha nitong mga lalakeng ‘to. Sila na nga yung minamahal, sila pa yung may gana makipag-break. Tapos… aray. Excuse naman ah. Sambit ko sa kuya na nakabangga sa akin. Ay, sorry miss. Diba ikaw din yung nasa jeep kahapon? Aba, si kuyang pogi ba ito? Oo, ako yun. Sige, bye. Sagot ko sabay lakad papalayo. Ayoko nang pahabain pa ang aming usapan. Teka lang! May itatanong ako. Pahabol niya. 

Hindi ako assuming. Pero katulad ng ilang mga movie at teleserye ay alam ko na kung saan ito maaaring mapunta. Gaya nga ng sinabi ko, ayoko munang pumasok sa isang komplikadong relasyon. Ayokong magkaroon ng isang kaibigan at ibuwis ito dahil papasok kami sa isang relasyon at hindi naman pala kami ang para sa isa’t-isa at sirain lang namin ang aming pagkakaibigan. Gusto kong antayin yung tamang panahon na makikilala ko na yung tamang lalakeng nilaan para sa akin ng Diyos.

Lumingon ulit ako sa kanya, Ano yun? ang sinambit ko. Pwede ba tayo maging magkaibigan? tanong niya. Oo naman, magkaibigan. Sagot ko sa kanya sabay ngiti.

Bespren.

Matagal ko nang gustong sabihin ito sa iyo pero hindi ko alam kung paano. Takdang panahon na ba para ito’y malaman mo? Hihirit na sana ako ng biglang pumasok ang ating guro. Naisip kong may oras pa naman mamaya. Ang swerte ko din dahil parehas tayo ng lahat ng klase sa araw na ito. Hindi na ako nakapag-focus sa leksyon sa kakaisip ko kung paano kita kakausapin mamaya. Class, dismiss. Ang huli’t unang malinaw kong narinig sa ating guro. Tumayo ka na at pinuntahan ako. Hindi ko mapigilang matulala sa ganda ng iyong mga ngiti. Huy, tara na! sabay sambit mo.

Magkasabay tayong naglakad patungo sa susunod nateng klase. Patawad kung hindi ako nakikinig sa lahat ng kwento mo. Di ko kasi mapigilang mapatingin na lang sa iyong mga mukha. Hindi ko man lang namalayan na nandito na pala tayo sa lecure hall. Naulit lang ang ganitong kaganapan sa isa pang sumunod nateng klase. At sa wakas, huling klase na. Nananabik na akong makausap ka.

Tara, kaen tayo. Treat ko. Sambat mo habang nakangiti. Kahit na nahihiya ako, di ko magawang hindian ka lalo’t nakangiti ka pa sa akin. Pumunta tayo sa isang coffee shop na mamahalin ang mga pagkaen. Wag mo na ako i-libre. Mahal dito. Sabi ko sayo. Ayos lang, mahal naman kita eh. Ang paborito mong hirit sa akin. Kinikilig ako sa tuwing sinasabi mo ito, ngunit nasasaktan ako sapagkat laging ito ang biro mo. Seryoso ka? Nagbakasakali akong baka maging totoo ang biro mo. Syempre, bespren kaya kita! Ang napakasakit na sagot mong tumambad sa akin. Tumawa na lang ako, pero naisip kong ay sana’y hindi ko na lang tinanong pa.

Eto na ang pagkakataon ko upang maamin na sayo ang matagal ko nang nararamdaman. May sasabihin nga pala ako… Pero natabunan na naman ako ng hiya at pagkahumaling sa ganda ng iyong mukha habang nagkikwento. Hinayaan na lang kita na magsalita. Hindi mo na rin ata napansin ang sinabi ko. May pagkakataon pa naman ako bago kita ihatid. Nang tapos ka na magkwento, bigla mong sinabi, Oh ano nga pala yung sasabihin mo kanina? Pasensya ka na ang dami kong kwento ah. Mabilis na tumibok ang puso ko. Doon ko lang napagtanto na hindi ko na dapat ipgtapat sayo ang aking nararamdaman. Alam kong dito tayo mas magtatagal, bilang magbespren. At isang kasinungalingan ang isinagot ko sayo, Ah. Wala yun.

Familiar

Nung nakita ko siya, tumibok na naman ng mabilis yung puso ko. Pero iba yung naramdaman ko. Nung nakita ko siya, antagal ko lang na nakatingin sa kanya. Sabi ng isip ko, parang familiar siya, parang kilala ko siya, dapat ko ba siyang ngitian o hindi? Tapos ang tagal na nag-process nung utak ko then bigla ko lang narealize na, siya pala yun. Tapos wala na, sabay lingon na sa iba. Alam mo yung feeling na ganun na yung nararamdaman ko sa kanya. I felt the familiarity towards him, yung feeling na parang kilala ko siya. Pero, bakit ganun? Kilala ko naman siya. Or baka, kilala ko pa nga ba siya?

Basta, parang familiar siya.

12:20 am

Sige, good night. Salamat sa oras. :) sa susunod ulit." Ang mga huling salitang tinype ko bago ko isara ang aking laptop. Ang sarap sa pakiramdam na ikaw ang huli kong nakausap bago ako matulog. Hindi na ako makapag-antay bukas kung anong mangyayari. Bago ako humiga sa aking kama, may narinig akong tunog mula sa aking cellphone. Nagtext ka. Talaga nga naman. Lalo pang naging masaya ang gabing ito. Nagreply ako, nagpasalamat sa Diyos sa hindi inaasahang masayang pangyayari, at ipinikit na aking mga mata.

Toooot. Isang tunog mula sa aking cellphone. Pagmulat ng aking mga mata, ikaw agad ang aking naisip. Hindi na ako makapag-antay sa mga susunod pang mangyayari. Nanabik akong makausap kang muli. Isang “Good morning. :)" mula sa iyo ang unang mensaheng nabasa ko sa aking cellphone. Nagulat ako dahil ang aga mong nagising. Nagreply ako, nagkamustahan tayo, hangga’t sa nagpalitan na ng kwento.

At magmula noon, alam naten na isa na itong simula ng isang di inaasahang relasyon.

"The Elephant In The Room" theme by Becca Rucker. Powered by Tumblr. Install theme.